Ano ang aming Pinaniniwalaan



• Ang Biblia ay isang kahayagan ng layunin ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ng mga piniling mga tao na ginagabayan ng Kaniyang Espiritu. Kaya ito ay walang pagkakamali at kapanipaniwala.

• Ang Biblia ay naghahayag na ang Diyos ang Tagapaglalang at Tagatustos ng lahat ng mga bagay. Siya ay naninirahan sa Langit sa isang di-malapitang liwanag. Siya ay Makapangyarihan sa lahat, Pinakapantas, isang Diyos ng pag-ibig, Kaawaan, Kabanalan, Katuwiran, at Katotohanan. Ang Diyos ay iisa.

• Ang Espiritu ng Diyos ay ang Kanyang kapangyarihan na siyang tumutustos sa Kanyang nilalang, ay ito ay naroon sa lahat ng dako at naghahayag at nagsasakatuparan ng Kanyang kalooban.

• Si Jesucristo, ang bugtong na Anak ng Diyos, na ipinanganak sa pamamagitan ng birheng si Maria. Siya ay tinukso, tulad natin subalit nanatiling lubusan at walang kasalanan. Siya ay namatay, nagbangong muli at umakyat sa kanyang Ama na nasa Langit, kung saan siya umupo sa kanang kamay ng Diyos.

• Tinalo ni Jesucristo ang kasalanan sa pamamagitan ng isang di-nagkasalang buhay. Ang kamatayan ni Jesus ay isang gawain ng pagmamahal sa pagsunod sa Diyos sa pamamagitan niyaon tayo ay makatanggap ng kapatawaran ng ating mga kasalanan. Siya ang ating Tagapagligtas.

• Si Jesus ay babalik sa lupa upang hatulan ang mga buhay at mga patay at upang itatag ang buong-mundo at permanenteng kaharian sa lupa.

• Ang tao ay mamatayin, nasa ilalim ng kamatayan bunga ng pagsalangsang ni Adan na nagbunga ng kamatayan bilang parusa sa kasalanan. Sa kalagayan ng kamatayan, ang isang tao ay isang katawan na binawian ng buhay at lubos na walang malay tulad ng ito ay hindi nabuhay.

• Ang “kaluluwa” sa Biblia ay nangangahulugang “nilalang”, ngunit ito rin ay ginagamit upang itawag sa iba’t ibang aspeto kung saan ay isang buhay na nilalang ay pagbubulaybulayan, tulad ng tao, buhay, humihinga, ang pag-iisip. Ito ay hindi kailanman nagpapahayag ng kaisipang pagkawalang hanggan.

• Ang lupa ay isang lugar na inilaan para sa gawain ng mga tao ng Diyos, kung ang mga ito ay nagawang hindi na mamamatay. Ang salitang “hades” sa Biblia ay nangangahulugang “ang libingan” lamang.

• Ang pagsisisi at bautismo kay Cristo sa pamamagitan ng lubos na paglubog sa tubig ay kinakailangan para sa kaligtasan.

• Sa kaharian ng Diyos sa lupa, ang Jerusalem ay siyang maging sentro ng mundo sa hinaharap. Lahat ng mga bansa ay maligayang tatanggapin.